Friday, February 26, 2010

Friday na naman pala?
how time flies...
ang saya kanina ng picnic ng YFC-UST:)
food.games.friends.
yun ay nangyari after namin nanood ng Mr. &Ms. Thomasian Athlete of the Year kung saan ay nakita namin ang Younghusband brothers.ung soccer players.cute nila in fairness:>
sayang di nanalo si Pags.pero ayos lang,di naman nabawasan kagandahan niya e.yeeees!:)
---------------------------------------------
totoo nga ang sabi ni itay.makakahanap rin sila n bagong ipraprioritize na mga tao,makakatagpo rin sila ng mga taong mas gusto nilang kasama kesa sayo.kaya wag ka masyadong ma.a.attach.
anong magagawa ko?"nanay" nga dapat ako diba?mahal ko sila e. at yun siguro yung rason kung bakit ayaw kong magkaroon ng bagong "barkada" dito sa Manila.mali siguro yung rason ko,na gusto ko maging close sa lahat kaya ayokong magkaroon ng mga kabarkadang bago.andian na sila e,silang lahat na nakasama ko ng mahabang panahon-siya na naging kaibigan ko nang mahigit isang dekada na,siya na ayaw ko man sa una ay napamahal na rin sa akin,sila na madalas kong kasama noon,sila na kasabayan kong gumawa ng class presentations,sila na nagpapaiyak sa akin minsan,sila na nakapagpataba ng puso ko ng maraming maraming beses.sila na miss ko nang kasama.
tama rin siguro ang sabi ng guro ko nung hs.wag masyadong ma.a.attach kasi darating ang oras na hindi ka nila kekelanganin bilang "nanay" .baka madepress ka.
oras na kaya para ako rin ay mag move on na?oras na bang mag prioritize na rin ng iba?
at the end of the day.buo na ang desisyon ko.
"nanay" nga e. ako na mismo nagsabi nun.kaya mamahalin ko ang mga "anak" ko nang walang hinihiling kapalit.yan ang buhay,darating at darating talaga ang oras na hindi na kekelangin ng mga anak mo ang iyong hele sa gabi,o kaya'y pagsasawaan na nilang manood ng cartoons na kasama ka.
kaya kahit gaano man ako nasasaktan minsan,kahit gaano man ako nagseselos minsan, magmamahal lang dapat ako. at hindi ko dapat isara ang aking puso sakaling may babalik. kasi...
God's arms are always wide open even to those who have other priorities.
since,gaya gaya ako e di ganun na rin gagwin ko:))
pero hindi rin dapat umasa. well let me rephrase dat,mag hope lang dapat ako.pero dapat prepared ako for the worst.ika nga ni Cory nung hindi pa bumabalik saPinas si Ninoy.
-----------------------------------------
pagbigyan niyo na kasi ako.minsan lang ako mag express nang hinanakit e:))
malapit na malapit na ang summer.yehey!:)
excited ako sa internship:D
hay nako.kelan kaya maaayos 'tong tinotopak na spacing ng blog ko.boo!

No comments:

Post a Comment